Sampu (10) ang patay habang 7 ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa isang sabungan sa Guerrero, Mexico.
Kabilang sa mga nasawi ang isang dose anyos na bata na nanonood lamang sa loob ng sabungan.
Sinasabing 2 grupo ang hindi nagkaroon ng pagkakaunawaan na humantong sa barilan.
Habang may mga nagsasabing isang lalake ang bigla na lamang pumasok sa sabungan at walang habas na namaril.
Kasalukuyang iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang naturang karahasan.
By Ralph Obina