Hindi bababa sa 10 katao ang nasawi habang 15 naman ang sugatan sa serye ng pananaksak sa dalawang komunidad sa probinsya ng Saskatchewan, Canada.
Nangyari ang mga pag-atake sa iba’t ibang lokasyon, kabilang ang lugar ng James Smith Cree Nation at Weldon, habang may 13 pang crime scenes na iniimbestigahan ang mga otoridad.
Kinilala ang mga suspek na sina Damien Sanderson at Myles Sanderson, na patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.
Agad namang isinugod sa ospital ang mga nasugatan kung saan, umapela na ng karagdagang staff ang Saskatchewan Health Authority upang rumesponde sa sitwasyon.