Hindi bababa sa sampung katao ang nasawi, kabilang ang tatlong bata sa sunog na sumiklab sa isang bahay sa Pennsylvania.
Ayon sa mga awtoridad, pawang edad 5 hanggang 79 ang mga biktima.
Sinabi ng State Police na sinubukan nilang pasukin ang bahay ngunit nabigo sila dahil sa malakas na apoy.
Tatlong indibidwal naman ang maswerteng nakaligtas mula sa insidente.
Inaalam pa ngayon ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.