Aabot sa 10 petisyon ang inihain ng mga manggagawa upang itaas sa ₱750.00 ang arawang suweldo bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin sa merkado.
Ayon sa National Wage and Productivity Commission (NWPC) ng DOLE, kabilang sa mga petisyon ay inihain sa anim na Regional Wage Boards kabilang na dito ang National Capital Region (NCR); Region 3 (Central Luzon); Region 4-A CALABARZON; Region 6 (Western Visayas) ; Region 7 (Central Visayas); at region 8 (Eastern Visayas).
Nilinaw naman ni NWPC Executive Director Criselda Sy na iniutos na ni DOLE Secretary Silvestre Bello III sa 6 na nabanggit na lugar na pag-aralan nang husto ang minimum wage upang agad na maisumite sa kanilang tanggapan ang resulta ng pag-aaral.
Sa datos ng DOLE, aabot na sa 3.6M manggagawa ang sumasahod ng ₱537 kada araw. —sa panulat ni Angelica Doctolero