Tututukan ng Department of Agriculture (DA) ang 10 mga pinakamahihirap na lalawigan sa bansa bilang bahagi ng pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na dadagdagan ang food production at bawasan ang kahirapan sa bansa.
Sinabi ni incoming Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na sa pamamagitan ng strategy na special area for agricultural development (SAAD), makikita ng DA ang mga lugar at ang potensyal nito sa food production at livelihood programs.
Tinukoy naman ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang sampung lugar na may mataas na kaso ng kahirapan at mataas na poverty incidence kada pamilya.
Ito ay ang mga sumusunod, Lanao del Sur (67.3 percent), Eastern Samar (55.4), Apayao (54.7), Maguindanao (54.5), Zamboanga del Norte (48), Sarangani (46), North Cotabato (44.8), Negros Oriental (43.9), at Northern and Western Samar (parehong may 43.5 percent).
By Mariboy Ysibido