Nakatakda nang bumalik sa bansa ang 10 Pilipina na biktima ng trafficking sa Baghdad matapos mailigtas ng Philippine Embassy at Iraqi authorities.
Sinasabing ang mga nasabing Pinay ay pinag trabaho ng 12 oras sa buong linggo at binibigyan lamang ng 3 oras na day off kada linggo.
Mula naman sa ipinangakong 500 dollars na sahod, 300 dollars na lamang ang kanilang nakukuha at nababawasan pa ng 100 hanggang 5090 dollars dahil sa mga paglabag sa patakaran ng kumpanya gaya ng paninigarilyo.
Nagpasalamat naman ang Philipine Embassy sa Kurdistan regional government sa matagumpay na pag-rescue sa 10 Pinay, pag-aresto sa kanilang employer at pagpapasara sa pinagtatrababuhan ng mga Pilipino.
By Judith Larino