Pasok sa kauna-unahang “30 Under 30 Asia” list ng Forbes ang sampung (10) Pilipino.
Kinikilala sa listahan ang 300 promising young leaders at game changers sa Asya.
Kabilang sa listahan sina Charice Pempengco, singer; Xyza Cruz Bacani, photographer; Ronson Culibrina, artist; Rachel de Villa, founder ng Cropital; Koh Martinez Onozawa at Valenice Balace, founder ng dating app na Peekawoo.
Nasa listahan din sina Raphael Mijeno, Founder at Chief Finance Officer ng Sustainable Alternative Lighting; Henry Motte- Munoz, co-founder ng anti-corruption NGO na Bantay.PH; Leandro Leviste at Amin Hataman.
By Katrina Valle