Sampu sa mga Pinoy workers sa China ang nagpositibo sa COVID-19 matapos ang pagsirit ng mga kaso ng virus sa Shanghai.
Ayon sa Consul General sa China na si Josel Ignacio, ginagawa na nila ang lahat ng kanilang makakaya para matulungan ang mga Pilipinong nagpositibo sa nakakahawang sakit.
Sinabi ni Ignacio na hirap silang maipaabot ang ayuda sa tinatayang 4,000 sa mga OFWs dahil hindi rin makalabas ng tahanan ang kanilang mga tauhan pero nakikipag ugnayan na umano sila sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para mailatag ang mga hakbang sa mas mabilis na pamamahagi ng tulong.
Base sa naging pagtataya ng mga eksperto sa China, posibleng umabot pa sa kalagitnaan ng Mayo ang surge ng COVID-19 bago luwagan ang restriksiyon sa Shanghai.