Binuksan na ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang sampung palaruan sa Sentro Sama-Samang Serbisyo Centers (3S).
Para makapunta, kailangang may kasamang magulang o guardian ang mga bata sa amusement spaces na bukas kada araw mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Lilimitahan naman ang mga magtutungo rito upang matiyak na maayos na nasusunod ang health protocols.
Ang sampung center playgrounds ay nasa; Baranggays Gen. T. De Leon, Karuhatan, Marulas, Punturin, Paso De Blas, Lawang Bato, Maysan, Bagbaguin, Ugong, at Arkong Bato. —sa panulat ni Abby Malanday