Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang adoption ng 10-point policy agenda, na layong madaliin at ipagpatuloy ang pagrekober ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.
Sa Executive order no. 166 na nilagdaan ni pangulong duterte, sakop nito ang lahat ng departamento, bureau, opisina, ahensiya at iba pa para matiyak na nasusunod ang panuntunan.
Ang 10-point agenda ay kinabibilangan ng;
- pagpapalakas ng health care capacity
- pagpapabilis at pagpapalawak ng vaccination program
- pagpapalaki ng kapasidad ng mga transport sector
- pagbabalik ng face-to-face learning at iba pa.
Ang National Economic and Development Authority (NEDA) ang magmo-monitor kung nasusunod ang kautusan at magbibigay ng report sa Pangulo. - sa panulat ni Abby Malanday