Matagal na raw isinulong ni Senator-elect Panfilo Lacson ang karamihan sa 10 Point Wish List na ipinirisinta ng mga business leader kay President-elect Rodrigo Duterte.
Ayon kay Lacson, isinulong na niya sa dalawang termino niya bilang Senador ang National ID system at muli niya itong ifa-file sa pagbubukas ng 17th congress.
Sinabi ni Lacson, makatutulong ang National ID system sa law enforcement upang mapabilis ang pagtunton sa mga gumagawa ng krimen.
Suportado rin ni Senator-elect win Gatchalian ang National ID system.
Panahon na, aniya, na magkaroon ng Unified ID system upang ma-streamline ang byurokrasya sa gobyerno.
Pagdating naman sa red tape na matagal ng problema at nagdudulot ng korapsyon, sinabi ni Lacson na inakda at inisponsoran na niya ang Anti-Red Tape Act noong 2007 pa.
Dapat na lamang aniyang tiyakin ng Duterte administration na epektibong maipatutupad ang nasabing batas dahil makatutulong ito upang matugunan ang reklamo at hinaing ng business sector.
By: Avee Devierte