Tinatayang 10 porsyento ang ibababa sa ani ng mga magsasaka kung magpapatuloy ang pagtaas ng temperatura sa bansa.
Ito ang ibinabala ng World Wildlife Fund for Nature Philippines batay sa isinagawang pag-aaral ng International Rice Research Institute o IRRI.
Ayon kay Joel Palma, pangulo ng WWF sa Pilipinas, isa lamang ang agrikultura sa pinaka-apektado ng climate change.
Kaya naman sinabi ni Palma na kinakailangan na ng mga bansa sa kasalukuyan ang pagkakaroon ng mas maraming pagkukunan ng pagkain, tubig at enerhiya.
By Jaymark Dagala