Iginiit ng COMELEC na wala nang nuisance candidate sa 10 presidential aspirant para sa paparating na halalan sa Mayo 9.
Sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na hindi basehan ang pagiging unknown at hindi basehan ang pagiging neophyte o pagkakaroon ng kakaibang ideas ng kandidato, upang maituring sila na nuisance o panggulo lamang.
Mababatid na sa ngayon, ay 10 ang mga kandidato sa pagka-Pangulo, na sa tingin ng iba ay marami, sapagkat noong 2016, lima lamang ang naglaban-laban sa pagkapangulo. —sa panulat ni Mara Valle