Sampung improvised explosive devices (IED) ang natagpuan ng militar sa remote village ng Manaulanan, Pikit Cotabato.
Ayon kay Maj. Homer Estolas, tagapagsalita ng Philippine Army 6th Infantry Division, narekober ng tropa ng pamahalaan ang mga ready to used na mga IED’s matapos na magpulasan ang mga hinihinalang myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na kanilang nakaengkwentro sa lugar.
Sinabi ni Estolas, na posibleng ang BIFF rin ang nasa likod ng serye ng pagpapasabog sa ilang lugar ng Central Mindanao noong Dec. 22.
Samantala, mariin namang itinanggi ng BIFF ang mga naturang alegasyon.