Sampung (10) recruitment agency ang sinususpindi ng POEA kada araw simula pa ng pandemya.
Ayon ito kay POEA Administrator Atty. Bernard Olalia, bilang parusa sa kawalang aksyon o bigong tumugon sa notice of repatriation nila kaugnay sa mga ipinapadalang OFW sa ibang bansa na nakakaranas nang pang aabusong pisikal lalo na ang mga domestic helper.
Sinabi ni Olalia, na hanggat hindi tumutulong at ginagawa ng mga suspendidong recruitment agency ang kanilang responsibilidad ay hindi makakapag proseso at makakapag-deploy ng OFW ang mga ito.
Kabilang aniya sa mga hindi natutugunan ng mga ahensya ay contract violation, sinasaktang OFW at OFW na maraming trabaho.