Inihayag ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na inaasahang humigit-kumulang sampung porsiyento ang kailangan pa ring manatili sa mga quarantine facility ng hotel.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac, na hindi lahat ng umuuwi na OFW ay inaasahang laktawan ang quarantine requirements.
Dadag ni Cacdac, na ang mga alituntunin ay tumutugon lamang sa fully vaccinated. Ang mga hindi pa ganap na nabakunahan ay kailangan pa ring i-quarantine.
Gayunpaman, sinabi ng OWWA Chief, na mayroong 1,500 OFWs na kasalukuyang nasa quarantine facility. Ito’y isang matinding pagbawas kumpara sa humigit-kumulang 9K dalawang linggo na ang nakalipas, nang magkabisa ang mga bagong alituntunin noong Pebrero 1. —sa panulat ni Kim Gomez