Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang sampung (10) tripulante ng isang cargo vessel na tumagilid habang naglalayag sa karagatang malapit sa Sta. Cruz Island sa Zamboanga City.
Ayon sa Philippine Coast Guard, tumagilid ng 20 degrees ang MV Erich nang hambalusin ito ng malalaking alon.
Patungo sana ng Sumisip Basilan ang cargo ship sakay ang dalawang libo limandaang (2,500) sako ng semento.
Agad namang tinulungan ng Coast Guard ang cargo vessel na makadaong sa pinakamalapit na pier.
By Len Aguirre | Report from: Aya Yupangco (Patrol 5)