Isinara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang sampung sangay ng Global Mobility Service Philippines Inc. matapos natuklasan ang mga paglabag sa National Internal Revenue Code.
Ayon sa BIR, hindi nakakatugon sa mga requirements at bayarin na penalties ang GMS na may business address sa Salcedo Bldg. Sa Legaspi Village, Makati City, at nagbebenta ng mga ibat-ibang klase ng mga sasakyan, mobility cloud connecting system, harness at stickers.
Bukod pa diyan, nang silbi ng BIR ang closure orders ay nahuli rin silang gumagamit ng unregistered invoices at receipts sa kanilang warehouses.
Dahil dito, isinara ang sangay ng GMS sa Manila, Quezon City, Antipolo, Cavite, Bulacan, Pampanga, Isabela, Cebu, Davao at Sorsogon. – sa panulat ni Angelica Doctolero