Sampung (10) Senador ang bumoto para imbestigahan ang pagkakasangkot ng Pangulong Rodrigo Duterte sa umano’y tinaguriang DDS o Davao Death Squad.
Kasunod na rin ito ng caucus na isinagawa ng mga Senador matapos kuwestyunin ni Senador Richard Gordon ang desisyong i-refer sa Committee on Public Order and Dangerous Drugs ni Senador Panfilo Lacson ang isyu ng muling paglantad ni retired SPO3 Arthur Lascañas.
Kabilang sa mga bumoto para ituloy ang imbestigasyon sa ibinunyag ni Lascañas sina Senate President Pro Tempore Franklin Drilon, Senador Francis Pangilinan, Leila De Lima, Bam Aquino, Risa Hontiveros, Joel Villanueva, Sonny Angara, Senate Minority Leader Ralph Recto, Antonio Trillanes at Francis Escudero.
Ayon sa source kabilang naman sa pitong (7) senador na bumoto laban sa senate probe sina Senate President Koko Pimentel, Gordon, Cynthia Villar, Juan Miguel Zubiri, Manny Pacquiao, Sherwin Gatchalian at Gringo Honasan.
Nag-abstain naman sina Senador Panfilo Lacson, Senate Majority Floor Leader Tito Sotto, Senador JV Ejercito, Loren Legarda at Nancy Binay.
By Judith Larino / Report from Cely Bueno (Patrol 19)