Pirmado na ng majority ng Senate Blue Ribbon Committee ang draft report na nagrerekomenda ng kasong plunder laban kay Vice President Jejomar Binay kaugnay overpriced umanong Makati City Parking Building.
Binubuo ang Blue Ribbon Committee ng 17 miyembro kung saan 10 sa mga miyembro nito ang pumirma.
Ang mga lumagda ay sina Senators Miriam Santiago; Francis Escudero; Pia Cayetano; Serge Osmeña III; Teofisto Guingona III; Chairman ng Blue Ribbon Committee Bam Aquino; Grace Poe; Alan Cayetano; Antonio Trillanes at Aquilino “Koko” Pimentel na Chairman naman ng Sub-Committee.
Ang iba pang miyembro ng komite ay sina Senators Cynthia Villar, Loren Legarda, Bongbong Marcos, Lito Lapid, Gregorio Honasan, JV Ejercito, Jinggoy Estrada at anak ng pangalawang pangulo na si Nancy Binay.
By Drew Nacino | Cely Bueno (Patrol 19)