Alam niyo bang mayroong sampung warning signs na hindi healthy ang isang tao?
Ayon sa eksperto, dapat nakaalerto kung mayroon man sa mga signs na mararamdaman lalo na sa mga 40 pataas ang edad.
Binubuo ito ng mga sumusunod:
- biglang nangayayat ng walang dahilan o unexplained weight loss.
- may lagnat kahit low grade fever o high grade fever.
- hirap huminga palagi o may panic attack.
- laging masakit ang tiyan
- sobrang manas ang paa
- laging pagod na pagod kahit nakatulog ng walong oras.
- dark yellow urine
- unstable personality o nagbabago ang ugali
- anumang pagdurugo sa katawan
- laging inuubo at sinisipon
Sa mga nakakaramdaman o nakararanas sa 10 senyales na nabanggit agad na magpakonsulta sa doktor upang matignan ang iyong kalusugan. —sa panulat ni Jenn Patrolla