Sinalakay ng mga armadong lalaki ang isang lugar patungo sa isang market sa Northern Burkina Faso malapit sa border ng Nigeria at sakop ng West Africa.
Ayon sa mga militar at ilang opisyal, ang mga umatake na kalalakihan ay pinaghihinalaang kabilang sa mga miyembro ng mga militanteng grupo.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, pinatay ng mga suspected militants ang nasa mahigit sampung sibilyan kung saan, inaalam pa ng mga pulis kung ano ang dahilan sa pag-atake ng mga armadong lalaki.
Sa ngayon patuloy pang iniimbestigahan ang lugar at inaalam parin ang motibo sa pag-atake. — sa panulat ni Angelica Doctolero