Nais ni Senator Francis Tolentino na ilaan sa Indigenous People’s (IPs) ang 10% slot sa Military at Police Academies upang maitaguyod ang indigenous sector.
Pangunahing layunin sa isinusulong ni Tolentino na Senate Bill 1587 o ang panukalang Katutubong Tagapagtanggol Act na kilalanin at itaguyod ang civil, political, economic, social at cultural rights ng IPs at ng kanilang mga komunidad.
Dagdag pa rito, masisiguro na maibibigay sa mga ito ang kanilang mga karapatan, proteksyon, at pribilehiyo ukol sa recruitment at employment.
Sa ilalim rin ng panukala, imamandato ang pagtanggap sa mga IPs sa mga academic programs ng Philippine Military Academy (PMA) at ang Philippine National Police para masiguro na hindi magkakaroon ng diskrimasyon sa kanila.
Pamumunuan ang nasabing programa ng Department of National Defense (DND) at Department of Interior and Local Government (DILG). —sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon