Sugatan ang 10 katao matapos araruhin sa tapat ng Baclaran Church sa Parañaque City.
Ayon kay Major Jolly Soriano, Parañaque Police Community Precint 1, bigla na lamang umanong humarurot ang isang kulay itim na Toyota Fortuner dahilan para masagasaan ang apat na lalake at anim na babae.
Depensa umano ng driver na kinilalang si Alla Respecia, bigla umanong nag-accelerate ang kaniyang sasakyan.
Nasa kustodiya na ng mga pulis ang driver.
Nasa kritikal namang kondisyon ang tatlong sa mga biktima.