Sugatan ang sampu katao kabilang ang ilang Indonesian police sa panibagong insidente ng suicide bombing malapit sa police headquarters sa lungsod ng Surabaya.
Batay sa imbestigasyon, limang miyembro ng isang pamilya, kabilang ang walong taong gulang na batang babae na nakasakay sa mga motorbike ang nagsagawa ng pagpapasabog.
Nakaligtas ang bata, habang patay naman ang mga magulang nito at dalawang kapatid na lalaki.
Patuloy namang iniimbestigahan ang pagkakaugnay ng pamilya sa Islamic State group dahil sinasabing local leader ng Jamaah Ansharut Daulah ang padre de pamilya na kilalang tagasuporta ng extremist group.
Ang pag-atake naman ay naganap isang araw lamang matapos ng serye ng pambobomba sa tatlong simbahan sa kaparehong lungsod.
—-