Patay ang labing isang (11) miyembro ng Philippine Army habang pito (7) pa ang sugatan matapos na tamaan ng sariling airstrike ng gobyerno sa nagaganap na bakbakan sa Marawi City.
Ito ang kinumpirma ni Department of National Defense o DND Secretary Delfin Lorenzana.
Ayon kay Lorenzana, posibleng hindi nagkaroon ng tamang koordinasyon ang mga sundalo na nasa ground at ang mga nagpakawala ng airstrike.
Aniya, naipaalam na sa mga pamilya ng mga nasawing sundalo ang insidente.
Sa ngayon mismong si AFP o Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Eduardo Año ang nangunguna sa imbestigasyon kung ano ang nangyari at tinamaan ng AFP airstrike ang sariling tropa ng gobyerno.
Nakatakda namang magsagawa ng press briefing ang AFP ngayong tanghali kaugnay sa naganap na trahedya sa Marawi City.
-report from Jonathan Andal (Patrol 31)
11 sundalo patay sa sariling airstrike ng AFP was last modified: June 1st, 2017 by DWIZ 882