Isa’t kalahating buwan bago bumaba sa pwesto, aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na nagpapalawig sa validity ng lisensiya ng pagdadala ng armas.
Sa ilalim ng Republic Act 11766 na nilagdaan ng Pangulo noong Mayo a –6, sa halip na dalawang taon, tatagal na ng lima hanggang sampung taon ang license to carry firearms ng isang indibidwal.
Pinalalawig din ng batas ang registration ng baril sa lima hanggang sampung taon mula sa apat na taon at nakabatay ang renewal ng lisensiya sa birthdate ng may- ari.
Sakali namang mabigo ang licensee na makapag-renew nang dalawang beses, madi-disqualify na ito sa pag-apply ng lisensya.