Tiniyak ng Electric Utility na MORE Power Corp. sa mga residente ng Iloilo City na kanilang lilinisin ang mga nagkalat na jumper connections sa kanilang lugar.
Ito’y kasunod na rin ng ikinasang Oplan Valeria Anti-Jumper Raid ng kumpaniya kung saan, aabot na sa 300 kilometrong illegal connection wires o jumper cables ang kanilang nasamsam sa loob lang ng isang buwan.
Batay sa datos, mula sa kabuuang 180 Barangay ay nakapagraid na sila sa may 156 barangay kung saan, nasa 5,000 illegal connections na nakakabit sa kanilang secondary line na din ang kanilang natanggal.
Nangangamba ang kumpaniya na magdulot ng lalong peligro at perhuwisyo sa mga residente kung hindi nila aaksyunan ang nasabing usapin.
Dahil dito, magtatalaga ang kumpaniya ng 500 mga guwardya sa mga lugar na may mataas na illegal connection para bantayan ang kanilang mga poste.
We’ve already placed almost 500 guards in areas where power pilferage has been observed to be prevalent”, ayon sa More Power.
Sa kasalukuyan, nasa 17 na ang kinasuhan dahil sa iligal na koneksyon ng kuryente at kakasuhan ng pagnanakaw o robbery.
Ang mga nakumpiskang illegal connection wires ayon sa MORE ay gagawing ebidensya sa korte.
All of these wirings are measured and then labelled to be used as evidence in the investigation and eventual case that would be filed against PECO to prove how prevalent power pilferage has been in the city of Iloilo during their incumbency as its power distribution firm”, dagdag pa ng More Power.