Pirmado na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 10928 na nag-aamiyenda sa Philippine Passport Act of 1996.
Sa ilalim ng bagong batas magiging 10 taon na ang bisa ng Philippine passport mula sa kasalukuyang 5 taong validity lamang.
Magkakabisa ang nasabing batas 15 araw matapos maipalabas sa mga pangunahing pahayagan.
Ang Department of Foreign Affairs o DFA ang magpapatupad ng Implementing Rules and Regulations para matiyak ang mabilis na proseso, pro people at hindi magamit sa kalokohan.
Kasabay nito pirmado na rin ng Pangulo ang batas na magpapalawig din sa validity ng drivers license na mula tatlong taon ay magiging limang taon na.
Hindi naman kasama sa mahabang validity ang student permits.
By Judith Larino / ulat ni Aileen Taliping (Patrol 23)