Makakabiyahe na ang may100 hanggang 200 OFW kada araw pa Israel.
Ayon ito kay OWWA Administrator Hans Cacdac matapos alisin ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang deployment ban sa Israel.
Unti unti na aniyang humuhupa ang sitwasyon sa Israel partikular sa Tel Aviv area kaya’t uubra nang makapagpadala muli ng OFW sa nasabing bansa.