Isinusulong ng isang mambabatas ang pagiging 100% brownout-free sa mga paaralan, na pagdarausan ng botohan para sa May elections.
Sa ilalim ng House Resolution 2538 na inihain sa kamara, hinimok ang Commission on Elections (COMELEC), Department of Energy (DOE), Department of Education (DEPED) at iba pang ahensya ng pamahalaan at stakeholders na matiyak na walang magiging aberya sa kuryente sa araw ng eleksyon.
Una nang sinabi ng poll body na nakikipag-ugnayan na sila sa doe upang matiyak ang sapat na suplay ng kuryente sa kabila ng oil price hike. – sa panulat ni Abby Malanday