Magpapadala ng 100 bus ang pamahalaan ng Hungary upang maihatid sa border ng Austria ang libu-libong war refugee na karamihan sa mga ito ay mula sa Syria.
Ayon kay Janos Lazar, Chief of Staff ni Prime Minister Viktor Orban, karamihan sa mga refugee ay nananatili sa isang kampo sa main railway terminal ng Budapest at may ilan naman na piniling pumunta sa highway patungo sa Vienna.
Una nang kinansela ng Hungary ang lahat ng biyahe ng tren patungo sa Austria at Germany upang mapilit ang mga refugee na magparehistro alinsunod sa batas ng European Union.
Samantala, sinabi naman ng tagapagsalita ng Interior Ministry ng Austria na sila kasama ang iba pang humanitarian organizations ay nakahanda na para sa pagdagsa ng mga refugee.
By Katrina Valle