Binigyan ng pasadong marka ng mga negosyante ang Administrasyong Duterte sa unang 100 araw nito mula nang maupo sa puwesto
Ayon kay Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI President George Barcelon, nakita nila ang malaking pagbabago at aksyon na ginawa ng Pangulong Duterte sa loob lamang ng tatlong buwan
Una na rito ang pagbawas sa red tape sa ilang ahensya ng gubyerno, mabilis na pagpo-proseso ng mga dokumentong kailangan ng publiko partikular na sa mga nagnanais magtayo ng negosyo
Pasado rin ayon sa mga negosyante ang administrasyon sa kampaniya nito kontra droga at nakita ng publiko kung gaano kalawak ang pinsala nito sa lipunan
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping