Inihayag ni National Task Force medical adviser Dr. Ted Herbosa na 50 hanggang 100 doses ng COVID-19 vaccine ang ilalaan ng mga botika na kabilang sa pilot run ng “Resbakuna sa mga Botika” sa Metro Manila.
Ayon kay Herbosa, gagamitin ang mga bakuna sa pagtuturok ng booster shots sa mga edad 18 taong gulang pataas maliban sa mga senior citizen at mga indibidwal na may comorbidities.
Aniya, itataas ang alokasyon kung marami ang mag-aavail ng nasabing programa.
Sinabi naman ni deputy chief implementer Vince Dizon na pinapayagan ang walk-ins ngunit kinakailangan pa rin ng mga ito na mag-register sa online.