Sinuportahan ng kamara ang plano ng Department of Education (DepEd) na ipatupad na ang 100% face-to-face classes sa susunod na pasukan.
Ayon kay House Assistant Minority Leader at ACT Teachers Party-List Rep. France Castro, dapat tiyakin ng DEPED na nakahanda ang mga eskuwelahan para rito at mayroong maayos na bentelasyon ang mga silid-aralan, hugasan ng kamay at sanitation facility.
Dagdag pa ni Castro, kailangan na mabakunahan ang mga estudyante na kwalipikado at magpatupad ng libreng testing sa mga guro at education support personnel na lalahok sa face-to-face classes.
Samantala, bukod sa pagkuha ng mga school nurse, ani Castro ay dapat ding magkaroon ng medical fund na gagamitin sa pagpapagamot ng mga estudyante at guro na tatamaan ng COVID-19.