Namahagi ng 100 flood rubber boats si Manila Mayor Joseph Estrada sa ilang barangay sa lungsod at sa Manila Disaster Risk Reduction Management Office.
Sinabi ni Erap na malaki ang maitutulong ng rubber boats lalo na sa mga bahaing lugar sa Maynila para masaklolohan ang mga residente.
Samantala, 15 bagong Toyota Vios patrol cars din ang itinurn-over ni Erap sa Manila Police District (MPD) mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Nagpasalamat naman si MPD Director Rolando Nana sa suporta ni Erap at iba pang opisyal ng Manila City government sa kapulisan para sa kampanya kontra kriminalidad.
Ayon kay Nana sa mga susunod na araw ay magre-request din sila kay Erap ng pang-gas sa mga naturang patrol cars.
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)