Nasa 100 kababaihan mula sa disadvantaged communities ang bumubuo sa unang batch ng mga nagtapos mula sa livelihood program ng Hapag Movement.
Ang Hapag Movement ang pinag-isang paglaban ng Globe at ng partners nito kontra kagutuman, na naglalayong matulungan ang may 500,000 Filipinos sa pamamagitan ng tech-driven channels. Ang pinakamahalagang bahagi nito ay ang livelihood training na nagkakaloob sa mga Pinoy ng kaugnay na kasanayan na magbibigay sa kanila ng mapagkakakitaan.
Ang programa ay karagdagan sa supplemental feeding program sa isang 12-week engagement na isasagawa sa iba’t ibang komunidad sa buong bansa.
Sa isang special ceremony na idinaos sa Quezon City, kinilala ng Globe, Ayala Foundation, at Virlanie Foundation ang unang batch ng mga graduate na nagmula sa partner communities sa Manila North Cemetery, Parola, Rolling Hills, at Bagong Silangan sa Quezon City.
Nabatid na nag-enroll sila sa iba’t ibang programa, kabilang ang beauty care, baking, food processing, rags making and sewing, at mushroom and urban gardening.
“The Hapag Movement is an important initiative for Globe, as it not only helps to address hunger in the Philippines, but it also empowers communities to be self-sufficient through key skills and training. We look forward to continuing to support our fellow Filipinos as they build a sustainable livelihood for themselves and their families,” pahayag ni Apple Evangelista, Head of Sustainability and Social Responsibility sa Globe.
Sa event, ang mga graduates ay nagpakita at nagbenta ng ilan sa kanilang mga produkto, tulad ng macaroons, banana bread, banana muffins, chocolate chip cookies, rags, potholders, at custom-designed tote bags kung saan gumagamit din sila ng GCash at nakapagsagawa ng cashless transactions.
Maliban dito, nakamit din ng programa ang ilang milestones, kabilang ang pagpapahusay sa product quality, pagbabawas ng kompetisyon ng mga miyembro, pag-a-adjust ng presyo para higit na maging kompetitibo, at pagtulong sa mga komunidad bago ang formal cooperatives.
“Noon, nakikipagkompetensiya kami sa isa’t isa sa presyo at hindi pare-pareho ang quality ng aming trabaho. Dahil sa Hapag, nagawa naming i-standardizeang kalidad ng aming mga produkto at nakabuo pa kami ng isang grupo. ‘Pag mas mataas ang quality, mas malaki din ang kita,” ani Abigail Mamita, 44, lider ng mga benepisyaryo para sa rag-weaving group mula sa Quezon City.
Pinagkalooban sila ng certificates of completion para sa kanilang paglahok sa programa at sa pagma-master ng mga bagong kasanayan na may malaking pangangailangan sa local job market.
Sabi naman ni Cel Amores, Senior Director for Corporate Communications ng Ayala Foundation: “We believe in the power of education to create positive and lasting change in the lives of individuals and communities. The Hapag Movement is a testament to this belief, as it has allowed us to create more opportunities for our beneficiaries outside of our usual efforts.”
“The Hapag Movement is a perfect example of how organizations can work together to support vulnerable communities. We are grateful to have partnered with Globe and Ayala Foundation to provide these 100 graduates with the tools and skills they need to build sustainable livelihood and improve their lives,” wika naman ni Arlyne Fernandez, RSW, Executive Director for Virlanie Foundation Philippines.