Nasa 100 inbidwal ang pinaniniwalaang nasawi sa naganap na pagsabog sa isang illegal oil refinery sa Southeast Nigeria.
Ayon kay Nigerian president Muhammadu Buhari, nagsasagawa na ng search and rescue operation ang mga otoridad sa lugar para mahanap ang iba pang mga nawawalang biktima.
Base sa imbestigasyon, nasa mahigit 20 manggagawa ang nakaligtas sa insidente habang sinisilip narin ang dahilan ng pagsabog.
Sa ngayon, inatasan na ni Buhari ang nation security forces upang alamin ang motibo at pangalan ng mga salarin.