Tinatayang 100 kabahayan ang nasunog sa isang residential area sa Tondo Maynila.
Nagsimula ang sunog kaninang alas-3:15 ng madaling araw sa bahay ng isang Jocelyn Miranda sa kalye ng Narcisa malapit sa Abad Santos Avenue.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa pawang yari sa light materials ang mga bahay doon.
Inaalam na ng mga awtoridad ang sanhi ng naturang sunog na umabot sa task force alpha.
Cebu City
Samantala, isang 16 na taong gulang na binatilyo ang nasawi sa sunog sa Cebu City.
Kinilala ang biktimang si Jomari Bihagan na nagawa pang makatawag sa kanyang tiyahin sa kasagsagan ng sunog.
Ayon sa ulat, ulila na si Bihagan kayat nagsosolo na lamang ito sa kanilang tirahan.
Lumalabas na sa imbestigasyon na naiwanang nakasinding kandila ang sanhi ng sunog.
Tinatayang papalo sa P80,000 ang pinsalang idinulot ng naturang sunog.
By Ralph Obina