100 katao ang nasawi habang 300 ang sugatan sa naganap na car bombings sa Mogadishu, Somalia.
Ayon kay President Hassan Sheikh Mohamud, ang responsibilidad sa pag-atake ay inangkin ng Al-shabaab o isang islamist group na may kaugnayan sa Al-qaeda, kung saan dalawang sasakyan na may mga eksplosibo ang sumabog.
Sa naganap na pagsabog nawasak ang ilang dingding ng mga kalapit na gusali habang pumailanlang sa ere ang mga usok at alikabok.
Samantala, agad namang kinondena ng mga kaalyadong bansa ng Somalia ang nangyari kung saan ang Estados Unidos, United Nations at African union na nagpadala ng mensahe ng pagsuporta. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla