Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang 100 kilo ng smuggled carrots sa Divisoria, Maynila.
Nagmula sa China ang mga ilegal na inangkat na carrots na tinatayang aabot sa P20,000.
Ayon sa BOC, walang Import permit o SPS at Sanitary permits ang mga ito.
Sinabi naman ng mga nagtitinda sa lugar na may mga taong nag-iwan ng smuggled carrots malapit sa kanilang pwesto bago dumating ang mga tauhan ng BOC. — ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5 )