Umakyat na sa mahigit 100 lugar sa bansa ang nasa ilalim ng granular lockdown.
Ayon kay DILG spokesperson undersecretary Jonathan Malaya,nasa ilalim ng granular lockdown ang 107 lugar kung saan , 679 na indibidwal dito ang binabantayan.
Sa naturang bilang, 97 dito ang nasa Metro Manila kung saan mahigit 400 indibidwal ang apektado.
Bukod dito, nakabantay rin ang pambansang kapulisan , kasama ang mga barangay tanod at local government officials sa mga lugar na nasa granular lockdown.
Samantala, tiniyak rin ni malaya na nasusunod din ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagbabantay ng Philippine National Police sa mga hotel na ginagawang quarantine facility.