Nilagdaan na ng World Bank at Department of Finance (DOF) ang $100-milyong utang ng Pilipinas para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) emergency response project.
Ang kasunduan ay nilagdaan nina Finance Secretary Carlos Dominguez at Achim Fock, country director ng World Bank para sa Malaysia, Brunei, Thailand at Pilipinas.
Nauna nang inaprubahan ng World Bank ang $500-milyong third disaster risk management development policy loan ng Pilipinas na naglalayon ring suportahan ang agarang pangangailangan ng pondo para tugunan ang COVID-19 pandemic.
Ang bagong loan o emergency response project mula sa World Bank ay gagamitin ng Department of Health (DOH) para pagbili ng medical at laboratory equipment, medical supplies tulad ng PPEs, gamot, ambulansya at pagtatatag ng quarantine facilities.