Nagkilos protesta sa harap ng Kampo Crame ang nasa isandaang (100) magsasaka ngayong Labor Day.
Halos isang oras ring nanatili sa harap ng headquarters ng pambansang pulisya ang mga miyembro ng Madaum Agrarian Reform Beneficiaries Association Inc. na nagmula pa sa Southern Mindanao Region.
Kinundena ng grupo ang di umano’y kawalan ng aksyon ng Philippine National Police o PNP upang mabigyang proteksyon ang mga magsasaka laban sa di umano’y pangha-harass sa kanila ng Lapanday Food Corporation sa Tagum City.
Gumagamit di umano ng private army ang Lapanday upang i-harass ang mga magsasaka na syang tunay umanong may-ari ng isandaan at apatnaput syam (149) na ektarya ng lupain na inangkin ng Lapanday.
Kamakailan lamang ay inatake ng NPA o New People’s Army ang Lapanday Food Corporation sa Davao del Norte.
By Len Aguirre |With Report from Jonathan Andal