Nasa Marawi City na ang nasa 100 mga babaeng sundalo at pulis na tutulong sa rehabilitasyon ng mga residenteng nabiktima ng kaguluhan sa naturang lungsod.
Kaninang alas-8:00 ng umaga, pinangunahan ni AFP o Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Eduardo Año ang send-off ceremony sa 60 mga babaeng sundalo at 40 babaeng pulis sa Villamor Airbase sa Pasay City.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, misyon ng nasabing grupo ang magtungo sa mga evacuation centers at umaalaay sa mga internally displaced persons na trauma sa giyera.
By Krista de Dios / (Ulat ni Jonathan Andal)