Natiyak na ng Estados Unidos ang 100 milyong karagdagang doses ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) mula sa Pfizer-BioNTech.
Sa ilalim ng bagong kasunduan, aabot sa 70 million doses na COVID-19 vaccine ang maibibigay ng Pfizer sa Estados Unidos bago sumapit ang Hunyo 30 sa 2021.
Dahil dito, nasa kabuuang 200 million doses ng COVID-19 vaccine na ang nabili ng Amerika sa Pfizer sa halagang 4 bilyong dolyar.
Batay sa pinaka huling ulat ng World Health Organization (WHO), Estados Unidos pa rin ang may pinakamaraming bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo na aabot na 18,800,000.
Mula ito sa kabuuang 78,917,000 na kaso ng COVID-19 sa buong daigdig.