Muling nagsama-sama sa isang pulong ang Commission on Elections (COMELEC), PNP at AFP upang siguruhin ang seguridad ng May 9 elections.
Tinalakay sa kanilang pulong kanina ang tatlong pangunahing usapin sa nalalapit na halalan.
Ito ang post-election preparation, paghahanda ng Manila Police District para sa miting de avance ng isang presidential candidate bukas, at ang overall preparation para sa May 9 elections.
Tiniyak ni PNP Chief Ricardo Marquez ang siento porsyentong kahandaan ng pulis, militar, at COMELEC sa eleksyon.
PNP
Sinabi ni PNP Chief Ricardo Marquez na nakatutok na ang binuong task force ng gobyerno upang masiguro na hindi mangyayari ang pagpapasabog sa tore ng kuryente.
Sa mga polling precinct, kinakailangan na may minimum na dalawang pulis na nakadeploy.
Pero magdaragdag, aniya, ng mga pulis sa mga lugar na nasa COMELEC control gaya ng Lanao del Sur at Maguindanao.
Gayumpaman, ayon kay Marquez, wala pa silang natatanggap na banta sa halalan sa ngayon, bukod na lamang sa mga naglalabasan sa social media na nagbabanta ng panggugulo sakali umanong magkaroon ng dayaan.
Kaya hinihikayat ng PNP ang COMELEC na patunayan sa publiko ang integridad ng halalan.
By Avee Devierte | Jonathan Andal (Patrol 31)