Naipadala na sa mga registered Overseas voters sa New York, ang lahat ng balota para sa Election 2022.
Sa kabila ito ng naranasang teknikal na isyu kung saan ilang araw na naantala ang pagdating ng mga balota.
Batay sa Facebook post ng Philippine Consulate sa New York, naka-seal na ang huling election pocket na ipapadala sa Pilipinong nasa United States Northeast.
Dahil dito, inaasahang bukas ng umaga ay 100% nang maipapadala ang mga balota.
Una nang nasuspinde ang ballot feeding sa Kalayaan Hall dahil sa isyung teknikal sangkot ang mga Vote-Counting Machines (VCMs).