Balik on-site na ang 100% ng mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI).
Paliwanag ni BI port operations division chief Carlos Capulong, ang nasabing hakbang ay bilang bahagi ng preparasyon sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero.
Mula aniya sa mahigit 8,000 kada araw noong unang linggo nang buksan muli ang bansa sa mga turista, ngayon ay pumapalo na ito sa mahigit 9,000.
Dahil dito, inaasahang tataas pa sa 10,000 hanggang 15,000 kada araw ang bilang mga biyahero sa susunod na buwan.