Nanawagan ang Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa Department of Education (DepEd) na ipawalang bisa ang patakaran na nag-aatas sa lahat ng mga guro mula sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 1 na pisikal nang mag-report sa mga paaralan at opisina.
Iginiit ni TDC Chairman Benjo Basas na dapat ay kumunsulta muna sa mga guro para sa pagpapatupad ng bagong work arrangements ang kagawaran.
Aniya, hindi praktikal ang 100% on-site reporting para sa modular at online task at hindi pa rin umano handa ang mga pasilidad ng paaralan para sa distance learning maging ang maayos na internet connection.
Sinabi naman ni Education Secretary Leonor Briones na sumusunod lamang sila sa utos ng Inter-Agency Task Force (IATF) kaugnay sa reporting capacity ng lahat ng DepEd offices, schools and community learning centers.